what. the. duck.

blogging is a motherducking waste of time.

pakikilakbay ng alamat

ako si pauee at wala na akong magagawa dun. ako ang spoiled brat sa mundo ng blogesperyo. walang kapararakan lahat ng pinagsasabi ko pero pipilitin kitang magbasa. isa akong living irony. pauee by day and pauee by night dahil hindi naman ako nagpapalit ng pangalan.

masakit sa bangs

ano ang mga sintomas ng masakit na bangs? unang una, dapat mahapdi ito at hindi mo mahawak-hawakan. pangalawa dapat ito'y namumula. pangatlo, namamaga at mukhang matamlay. so sa iyong pagsisiyasat, masakit ba ang bangs mo?

Dambana

Noong bata ako weird ang pananaw ko sa kasal. Weird siya in the sense na hindi makatotohanan. Ikaw ba naman lumaki sa tahanan na nagmamahalan ang mga magulang mo, na para bang araw-araw e bagong kasal pa lang sila. Iisipin mo din na ganoon ang mangyayari sa lahat ng ikinakasal.

Sa totoo lang sa huwes pa lang ikinasal ang parents ko bago ako ipanganak. Bata na ako nung ikinasal sila sa simbahan. Parang formality na lang kumbaga. Pero sa huwes man o sa simbahan walang ipinagbago. Masayang nagsasama ang mga magulang ko. Bilang isang batang mapagpangarap, iniisip ko din na ganoon ang mangyayari sa akin in the future.

Nung mga panahong naglalaro pa ako ng barbie, dahil lubos ang kalandian ko, iniimagine ko ang magiging kasal ko. Sa hilig kong manuod ng mga movies, medyo ipinapattern ko sa kanila ang mangyayari. Sa isang malaking simbahan, maganda ang dekorasayon, madaming taong nag-aabang, kasama ko ang dad ko naglalakad papunta sa altar. Nag-aabang doon ang lalaking tinatangi ko.

Op kors nung mga panahong iyon ang naiimagine ko na mapapang-asawa ko e yung taong kras na kras ko na ngayon e nakakakilabot na isipin. E ganun lang talaga medyo may kagagahan tayo at kabulagan noong kabataan.

Dumaan ako sa aking kompyusd (read: genderless) teenage years. Nung panahon na iyon naging desidido ako na hindi ako magpapakasal kailanman. Maaaring magkaroon ako ng anak, pero ayoko ng may asawa.

Nagimprove ang pananaw kong iyan, gusto ko na may asawa. Pero ayoko pa din ikasal. Kumbaga ay lib-in. Sa isip isip ko pareho lang naman yun. Bakit ko kelangan ikompormiso ang sarili ko sa isang lalaki? Ang dami pang hassle. Higit sa lahat magpapalit ako ng apelido! Nakakainis magpakasal. And after all it's just paper.

Pagkalampas ko ng kompyusd years naisip ko na ang benepisyo ng pagpapakasal. It's for the legalities. Dahil magiging conjugal na ang mga bagay bagay. At dahil mas tanggap ng mundo ang pagsasamang legal. Mas maraming benefits kumbaga kesa cons.

Shempre hindi din nalalayo sa isip ko yung konsepto ng pagiging engaged. Noong panahong mahilig pa akong magmunimuni at magdaydream, iniimagine ko ang pinakasweet na pwede gawing proposal sakin ng taong mahal ko para magpakasal. Andiyan yung luluhod siya sa harapan ko, kaso lang baka matawa ako. Pwede din yung iaannounce niya sa isang PA system kahit nakakahiya ng lubusan. Naisip ko pa nga yung kakain ako at pagkagat ko e merong singsing na buti na lang hindi ko nalunok.

Ayokong ianticipate yung mga bagay bagay kasi baka madisappoint ako pag hindi ganoon kabongga ang pagpopropose. Madali pa naman ako madisappoint lalo na kung nageexpect ako.

Nakakatawa lang na kahapon sa MRT bigla niya na lang itong sinabi sakin:

Mahal na mahal kita e alam mo yun? Pakasal na kaya tayo, will you marry me?

Inisip ko ng mga panahong yan na joke lang ang pagsabi niya. Pero sa totoo lang tumatak yang sinabi niyang yan sa utak ko. Hindi siya kasing fancy ng iniisip ko nung landi days ko. Hindi din siya makatotohanang approach. Pero lubos na galak ang dinulot sa sistema ko. Alam kong kung magpapakasal kami ay sa Registry of Marriages lang kami at walang kabonggahang magaganap. Pero alam mo yung kung darating ang pagkakataong tototohanin na ito, alam kong hindi ako makakatanggi.

Alam ko na, love ang factor. LOVE.

Ti-Eyts

Oh hai there! I am back.

Oh yes. Syempre madugo-dugong hiatus ang naganap. Bigla ko na lang nasabi sa sarili ko na teka, may datkom nga pala ako. Matagal tagal na panahon ko na ding hindi nasisilayan itong si blager dasbord at ang compose tab. Naluha ako bigla sa kaliwang mata ng isang patak lang nung naisip kong sayang ang ibinayad para sa isang taong pagmamay-ari ko ng domeyn na ito. Pero narealize ko din na hindi nga pala ako ang nagbayad. Pero! Shempre naman may malasakit ako dun sa nagbigay kaya eto na nga o nagbablog na. Ayan na o. *grin*

Ang sakin lang naman, ayokong pinipilit ang sarili kong magsulat kung wala naman akong drive magsulat. Parang pagjebs lang yan e, ayoko naman magka-almuranas ang utak ko sa pag-iisip kung ano nga ba ang pwede kong idada dito kung wala naman akong urge na dumada. Kahit naman kasi sa pagbablog e merong pagpapakatotoo.

Naalala ko tuloy yung isang selebrasyon na dinaluhan ko kasama ng mga prenliprends ko. Sa crowd, hindi lang lahat kaibigan ko, although kilala ko naman sila, hindi pa rin enough na tawagan sila as my friends. Kumbaga pwede sigurong tawaging acquaintances kung tama ba naman yang spelling na yan. Magkakakilala kami pero not necessarily prens.

Itong isang nilalang na ito, mahigit limang taon ko na siguro siya kakilala, pero hindi kami ever magclick, I mean sa aking pananaw. Para sakin kasi, pilit siyang being.

Yep, pilit.

Kumbaga trying hard. TH siya na mag-fit in sa crowd na kinabibilangan namin. And yeah, this is the bitch in me talking.

E kasi naman, sa mahigit limang taon na kilala ko siya, hindi ko lubos maisip bakit hanggang ngayon ganun pa din siya ka-OA. Gumagawa siya ng mga bagay na hindi bagay sa kanya. He tries so hard to fit in kahit na awkward naman. Naging tampulan tuloy siya ng pangmo-mock sa mundo. Madalas siyang ginagaya, with all the awkwardness, behind is back. And it just baffles me bakit hindi niya yun narerealize.

Naisip ko nga, kung yung mga "friends" ba niya kung meron man ang tingin sa ginagawa niya ay cool o tulad namin e naweiweirduhan sila pero nasanay na lang ba. Gusto ko nga siya sabihan e, kaso hindi naman kasi kami friends.

At dahil hindi ako matahimik nung gabing yun, sinabi ko siya sa ilan sa mga kaibigan ko, and tulad ng inaakala ko pareho lang kami ng nafeefeel. Ang sabi pa ng isa baka daw kasi kami yung may mali, kasi masyado kaming nasanay na kasama yung mga totoong tao. Yung walang pretentions. Yung hindi nagpipilit.

Siguro nga tama. Kasi last time I checked, nung may TH to fit in sa grupo namin, ayun syinota niya yung isa. Ang nangyari tuloy, pareho silang outside the kulambo ng group. Ekis kumbaga yung ganung pag-uugali. I can never deal with people like that.

Hindi ko kayang makipagfriends sa mga taong pilit. Dahil ako never, as in never ko ipagpipilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sakin. At never pa naman ako nasabihan na pilit ako.

Okay, maybe not to my face. ^___^

Ang buhay parang gulong, minsan nasusunog -- booba

***now entering EMO mode***

Naalala ko yung isang tagline ng ginebra ATA dati.

"Bilog ang mundo."

Smart alecky (or Alex-y :p) me would comment:

"Actually, the earth is oblate spheroid, which is not exactly the same as a circle."

Well the tagline's point is.. hmm.. ewan ko nga ba. Hindi ko na maalala kung pano nila nairelate sa alak yung tagline na yan. Basta ang alam ko kaya sinasabing bilog ang mundo ay pwede itong gumulong gulong.

Gulong ng palad.

Isa pang variation nung tagline ni booba is "Ang buhay parang gulong, minsan nasa vulcanizing shop."

Kahapon sinabi ko kay Tannix Kwebas na ang buhay ay parang gulong. Ang nasabi lang niya "kaya dapat pa-atras ang lakad natin para lagi tayong nasa itaas."

Nakakalungkot isipin na kung gulong man ang buhay, madalas hindi ito vulcanized fairly. May mga times na medyo flat ito, kaya may mga taong nagtatagal sa ibaba ng gulong dun sa flat side. In return may mga mas nageenjoy dun sa taas ng matagal. More people are flat on the ground however.

Tinanong ko din si Tannix kung kelan ba magkakaroon ng meaning ang buhay. Eto lang ang naisagot niya:

Tannix Kwebas: ahahahahahahahaha
Tannix Kwebas: shet
Tannix Kwebas: WAG AKO ANG TANUNGIN MO!!!!
pauee: ahahaha
pauee: sabagay
Tannix Kwebas: si alex na lang
Tannix Kwebas: :D
pauee: ahahaha bakit kapag si alex masasagot niya?
Tannix Kwebas: baka may mabanggit siyang significant
Tannix Kwebas: at least makakatulong
Tannix Kwebas: eh ako? 

(Oo alex, higit kay tannix ay medyo may pagkabida ka din sa blog entry na ito. ewan ko ba.)

Routine makes the world go round. Sa araw araw, may ginagawa kang malamang ay gagawin mo rin kinabukasan. Gising sa umaga, kain ng breakfast, pasok sa school o sa work, kain ng lunch, uwi sa bahay, kain ng dinner, tulog. Yun ang composition ng araw mo, at yun ang nagpapagalaw sa mundo mo.

Pero rountine is BORING. Kung yung araw araw mo na ginagawa ang nagpapaikot sa mundo at solely iyon lang, isa kang zombie. The undead. And you are freakin' scary. Lumayo ka sa akin.

Matabang ang buhay na ganun kung meron man lasa kahit papano. Hindi mo pwedeng iulam or papakin man lang. Talagang maghahanap at maghahanap ka ng asin or patis or toyo or kahit anong pwedeng magdagdag ng spice sa walang kaflavor-flavor na buhay. Pag ganun ka, masasabi mo ang buhay mo ay gulong ng matchbox, mabilis ang ikot. At lasang gulong pa. (yep, lasang goma.)

Siguro ang pwedeng gawin, kung flat ang buhay mo, gumawa ng paraan para madala siya sa vulcanizing shop at maayos. Kung mahaba ang pila ng mga buhay dun, antay antay lang. Tiyaga tiyaga. Kung walang tiyaga hindi makakagawa ng pressure cooker yung inventor nito. Thus, walang mabilis na nilaga or bulalo.

Yehey malapit na yan. Don't give up on us baby! Ayan na nasisilip ko malapit na si manong vulcanizer, ihanda mo na ang limampiso mong pang-tip sa libreng hangin!

***emo mode off***

Paano ko ba matatanggal ang lansa ng salmon sa pagkatao ko?

Kanina nagluluto ako ng salmon. Tanghalian namin ni eve. Papano nga ba magluto ng salmon?

How to cook Salmon the Pauee way:

-2. Pahiran ng kalamansi ang salmon.
-1. Lagyan din ng paminta.
0. Set aside. Maghanda na para sa pagluluto (make-up make-up ng konti para bongga)
1. Buksan ang kalan sa katamtamang ka-apoyan.
2. Lagyan ng sapat na olib oil ang kawali at ilagay sa ibabaw ng kalan (na may apoy shempre)
3. Do the wooden chorva test. Ilagay ang wooden chorva sa mantika, kapag ito ay bumubula-bula, mainit na ang mantika.
4. Ilagay ang salmon.
5. Matapos ang isang minuto ilayo ang kawali sa apoy para palamigin.
6. Kapag malamig na, ibaliktad ang salmon.
7. Lutuin muli ng isang minuto.
8. Serve hot.

Tsa-raan. Ayan na ang simpleng proseso ng pagluluto ng salmon. Simpleng proseso pero may kaakibat na matinding kalasanhaang di maalis-alis sa akin katawan. Isa akong walking salmon.

Nakaka-lungkot lang isipin na higit sa sarap na naidudulot ng salmon sa aking panlasa, may kapalit naman shang matinding kumakapit na amoy sa buo kong pagkatao. Kung iisipin, worth it nga ba ang lahat? Enough na ba ang sarap ng salmon para makoberan ang lansa?

Madalas gumawa ng desisyon ang mga tao kahit na siguradong may kapalit na hindi kaaya-aya, dahil sa dulo ng lahat may matatamasang katiwasayan. Matinding battle muna ang pagdadaraanan sa decision-making, bago mapagisipang worth it ang lahat. Pero in the long run, sapat na nga ba?

Hmm. Teka anong ka-emohan to. Makaligo na nga.

Bakit ba tuwang-tuwa kayo dun e laman lang naman yun?

Seriously though, ano bang nakakatuwa sa mammary glands ng mga babae at may effect yun sa inyo?

Dahil ba natatago? So kung ilalabas na lang siya all the time hindi na magiging ganun ang effect sa inyo?

I would NEVER understand.

*****

Isa sa mga naging pastaym namin ni cygnum dito sa banyagang bansa ay ang magswimming. Meron kasing malapit na resort dito. 1 S$ lang. roughly 30 pesos. And pwede ka na magswimming the whole day. Yung pool ay nasa taas ng isang building ala-rooftop. At 50 meters siya. So pwede ka maglaps as exercise.

Meron din siyang parang glass windows ala-aquarium na makikita ng mga nasa mall. Eto picture para mas maimagine mo.


May isang pagkakataon though, nagswiswim ako at viniview ko sa salamin na yan ang mga tao sa ibaba. Nagtataka ako kung bakit nagkaroon ng grupo ng mga lalaki na nakatingin sa akin/amin paitaas. Nakangiti sila at sigurado ako na sa akin nakatingin. Medyo dumarami na sila nung narealize kong ang form ko ay sumisisid pailalim at ako'y naka-two piece.

*****

Kapag ba niyayakap ng babae ang lalaki damang dama ang mahiwagang glands? Napagsabihan kasi ako kelan lang na wag daw ako basta basta mangyayakap ng guys. Di ko naman kasi pansin na yun pala ay napapansin ng niyayakap ko. Kahit papano naniniwala ako na hindi lahat yun ang nararamdaman. Pero sige titigil na ako sa kakayakap.

Magkaroon pa kaya ako ng kasagutan sa tanong ko? 

Chills me to the bones: Post-Birthday

"Bahala kayo. Magsama kayong dalawa. Mag-isa kayo!"

Waaah. Confusing.

Naisip ko, parang mas gugustuhin ko pang sabihin sakin na "Manigas kayo." At least hindi ako madudumbfound kung ano ba ang ibig niyang sabihin sa statement na iyan.

Then maybe it's a little R-18. Sus yan. R-18 din pala yung mas preferred kong statement.

Erase erase.

Nung mga panahong highschool pa lang ako, di ako marunong mag-isa. De-skulbus ako. At kung magcocommute ako e kagi akong may kasabay (ang aking labs na labs na si verns). New student ako sa pagpasok ng persyir, pero instant friends agad sa persday. Di ko kayang kumain mag-isa. Di na lang ako kakain kung ganun. At lalong di ako marunong magcommute alone.

Instant aloneness naman ang nangyari pagtungtong ko ng kolehiyo. Naghiwa-hiwalay kaming magbabarkada ng skuls. At nagmalayo ako ng eskwelahan. By choice. Humiwalay din ako sa pamilya ko habang skul days, I lived by the campus. Nangangapa sa bagong lugar. At oh no, di pa ganun ka-solid ang pagiging block section. 1 or 2 subjects lang kami classmates.

Pero ika nga no man is an island cove. Nagdrift ako from being alone to being an org member. Barkada extraordinaire. Nabawasan ang pagiging loner. Pero sa pagcommute papunta at pauwi, madami pa ding times na mag-isa na ako.

Ganun din sa work. Mabilis din ako nagkaroon ng click. Pero I treasure the moments na mag-isa ako kapag papasok at pauwi. Time with myself. Nagfeefeeling emo kahit pilit.

Sabi ng mga nakakakilala sakin, di daw bagay sakin maging mag-isa. I'm a social being. I tend to be the person na bumubuo ng group rather than magsettle mag-isa. Di ako lone shark. I swim with the school. Mumunting isda. Kahit natuto na ako kumain mag-isa ngayon, or lumakad at magshopping alone, I'd still prefer it with company. Ganun lang ata ako talaga.

Tama na siguro yung 1 hour na mag-isa. Enough na yun to be alone and think on my own. I want to be with other people.

Ayoko ng alone. Lalo na yung kanta, ginagawa akong latang pinupunit. Akala mo mataas na yung part na "Till now.." but no! Mas mataas pa yung part na "How do I get you alone..." at lalo na yung sumunod na "Alone..." Putek yan, pamatay lang e.

At dahil di ako mag-isa sa mundo, gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumati, nagtext, nag-pm, nag-post sa cbox, nag-email, nag-plurk at sa lahat ng nakakaalala kahit di nagparamdam sakin sa aking kaarawan. Overflowing messages kaya overflowing thanks din sa lahat ng nilalang ng nilikha ng Diyos para maging part ng buhay ko at pasayahin ako sa araw ng kapanganakan ko.

Hulaan niyo age ko, sa itsura. Sabi ni chris di na ako papasang 12 years old ngayon e. Bad trip kailangan ko tuloy magmature! Required ata. Pero ang cute cute kasi nitong patatas na nakita ko sa araw ng birthday ko:

Higit sa mga bumati, gusto kong bigyan ng special na pasasalamat ang mga kaibigan ko sa dati kong opisina. Alam niyo na kung sino kayo. Sobrang thanks po sa card na pinadala pa via DHL. Thanks, nagulat ako sobra. Ang cute cute niyo sa mga pics niyo. Naiyak ako talaga ng hagulgol. Pramis.

Salamat sa family ko na nakausap ko sa phone sounding very excited. Miss ko na kayo sobra.

At pinakathanks sa tatlong taong kasama ko sa araw na yon. Lyka, Eve at lalong lalo na sa pinakamamahal kong si Chris, salamat for making the day special. One of my most memorable birthdays ever. Mwah!



More birthdays to come for me! Yehey balita ko di naman required magmature e.



-



Glutton's Guide No. 3: Ice Kachang

Hindi ako gaanong mahilig sa halo-halo. Mas gusto ko ang *insert prutas here* con hielo. Pero minsan sa mainit-init na panahon, hindi mo din maiiwasan na hanap hanapin ang sarap ng pinaghalo-halong sangkap ng halo-halo (wow so paulit-ulit lang). Ube, leche flan, pinipig, kaong to name a few of my favorite sangkaps. Pero isa din sa mga paborito ko ay ang lasa ng yelo na may gatas.

Dito sa bansang banyaga, may bersyon sila ng popular na halo-halo ng pinas. Ito ay tinatawag na Ice Kachang. Sa halagang 2.40 SGD, mapapauee na ang iyong uhaw sa tag-init. Hindi siya exactly tulad ng halu-halo. May iba't ibang klase siya. Ito ang isa sa kanila:



Strawberry-flavored ang ice cream at ang syrup na red na iyong nakikita. Kaya ito ay Strawberry Kachang. Sa may bowl part ay iba't ibang sangkap na mala-halo halo tulad ng kaong, gulaman, beans, etc. Ang nakakatuwa dito ay ang presentation ng product. Nakaka-aliw at mukhang katakam-takam. Ito pa ang isa:





Ito naman ang Mango Kacham. At dahil peborit prut ko ang mango e ito na siguro ang favorite flavor ko. Masarap at malinamnam. At national fruit pa ng bansa kong sinilangan!







Iyan naman ang Rainbow Kachang. May candy sprinkles na nilalagay sa gilid instead of syrup. Endless ang types of Kachang dito. Pero sa totoo lang may kamahalan ang presyo nila. Hehe. Pero oks na, isang ganyan share share na kaming tatlo. Di na rin masama.

Nako, mukhang tataba talaga ako dito a. Nag-eenjoy ako sa pagkain e. Konting diet na siguro :p